INAASAHANG maitatala ang February inflation rate sa pagitan ng 2.4 percent at 3.2 percent, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ng BSP na ibinase ng kanilang Department of Economic Research (DER) ang naturang range sa pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, koryente, bigas at ilang food products.
“Looking ahead, the BSP will remain watchful of economic and financial developments to ensure that its primary mandate of price stability condu-cive to balanced and sustainable economic growth is achieved,” pahayag ng central bank.
Noong nakaraang Enero, ang inflation ay naitala sa 2.9 percent mula sa 2.5 percent sa sinundang buwan dahil sa mas mabilis na pagtaas ng heavily-weighted food at non-alcoholic beverages index sa 2.2 percent.
Ang iba pang drivers sa pagbilis ng inflation noong nakaraang buwan ay ang alcoholic beverages at tobacco, clothing at footwear; housing, water, electricity, gas, at iba ang fuels; transport, recreation at culture, at education.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, wala siyang inaasahang malaking pagtaas sa inflation ngayong taon, partikular mula sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa kanilang rate-setting meeting noong Pebrero 6 ay itinaas ng policy-making Monetary Board (MB) ng BSP ang average inflation projection ng central bank para sa taom sa 3 percent mula sa 2.9 percent. PNA
Comments are closed.