(Projection ng BSP) 7.8%-8.6% INFLATION SA DISYEMBRE

INAASAHANG mananatiling mataas ang inflation sa bansa sa Disyembre sa gitna ng sumisirit na presyo ng koryente at mga produktong pang-agrikultura.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang inflation ay maaaring maitala sa 7.8% hanggang 8.6%.

Kapag ang inflation rate ay pumalo sa upper end ng forecast range, magiging mas mabilis ito sa 8% noong Nobyembre, na isa nang record high sa loob ng 14 taon.

“Upward price pressures for the month are expected to emanate from higher electricity rates, uptick in the prices of agricultural commodities, elevated meat and fish products, and higher LPG prices,” sabi ng BSP.

Subalit ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo at bigas, gayundin ng paglakas ng Philippine peso ngayong Disyembre ay maaaring magpahina sa price pressures.

Nauna rito ay sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na ang inflation ay maaaring bumalik sa target range ng pamahalaan sa second half ng 2023 at maabot ang low end ng band sa last quarter.