INAASAHAN ng United States Department of Agriculture ang pagbaba ng rice imports ng Filipinas ng 9 percent sa 2021 dahil sa pagkaunti ng produksiyon mula sa top suppliers nito.
Sa Grain: World Markets and Trade report nito, sinabi ng USDA na ang PH rice imports ay maaaring bumaba sa 3 million metric tons kumpara sa naunang projection nito na 3.3 million MT sanhi ng mas mababang supplies mula sa Thailand at Vietnam, dalawa sa top sources ng bansa para sa bigas.
“Global trade is expected to contract with reduced imports by the Philippines, Nigeria, and Cote d’Ivoire as major exporters Thailand, China, and Vietnam face tighter supplies,” nakasaad sa report.
Ayon sa USDA, ang global production sa susunod na taon ay tinatayang bababa ng 0.5 percent sa 500.049 million MT dahil sa mas maliit na ani mula sa Thailand (down 1.9 percent), China (down 1.3 percent), at Vietnam (down 0.7 percent).
Gayunman, ang latest projection ay mas mataas pa rin sa 2020 rice imports estimates nito sa 2.6 million MT, na nagresulta sa pag-ungos ng Filipinas sa China bilang world’s top importer na may 2.3 million MT para ngayong taon, 2.2 million MT sa 2021.
Sa pagtaya pa ng ahensiya, ang rice production ng Filipinas ngayong taon ay nasa 11.91 million MT, mas mataas ng 1.5 percent kumpara noong nakaraang taon.
Sa datos ng pamahalaan, ang rice imports hanggang noong end-July ay umabot sa 1.457 million MT, bahagyang mas mababa sa 1.491 million MT na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, kabilang ang mga dumating bago ipinatupad ang Rice Tariffication Law noong Marso.
Comments are closed.