ITINAKDA na ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon para sa labindalawang nanalong senador sa katatapos na May 9 elections.
Ayon kay Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco, sa Mayo 18, alas 4:00 ng hapon isasagawa ang proklamasyon sa 12 senador.
Samantala, sa Mayo 19 sa kaparehong oras naman itinakda ng Comelec ang proklamasyon sa mga party-list na mayroong nang guaranteed seats.
Bawat elected senator ay maari lamang magsama ng limang companion habang ang party-list groups ay maaring magsama ng dalawa. LIZA SORIANO