PROKLAMASYON NG NANALONG SENADOR AT PARTYLIST GROUPS, POSIBLE SA LOOB NG 7 ARAW

SA loob ng pitong araw  ay posibleng makapagproklama na ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga mananalong senador at partylist groups.

Ito ang sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo base sa patuloy na paghahanda at pagsusuri ng komisyon sa automated na sistema ng eleksiyon.

Nilinaw naman ni Casquejo na nasa kontrol ng Kongeso ang takbo ng pagbibilang ng boto at paglalabas ng resulta para sa pagka-Presidente at Bise Presidente.

Paliwanag ni Casquejo, ang Kongreso na binubuo ng Senado at Kamara ang siyang bumubuo sa National Board of Canvassers (NBOC).

Ang NBOC aniya ang may obligasyon na bilangin ang boto sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa at magproklama nang mananalo. JEFF GALLOS