PROMOTING VALUES NEED NOT BE BORING – DIREK CUEVAS

NAPAKAGANDANG pahinga sa mata at kalooban ang makapanood ng isang musical comedy amidst allbuzzday the dramas, fantasies and actions apart the controversies and issues in the government.

Mula sa comedy TV series na Hapi Ang Buhay, EBC Films produced the Musical which launched recently. Had the chance to watch the premiere night and I did not regret having braved  the rain to SM Cinema 3. Napakasimpleng pelikula, pero nagpo-promote ng values na hindi naman boring.

Umikot ang kuwento sa isang karakter na si Alfajor, na kilalang nagpapautang sa buong bayan, nakitang walang malay sa daan, na naging dahilan para ang Barangay Kaysaya ay magkagulo, kumanta sa kalituhan. Idinaan sa kanta, sayaw ang magulong kuwento ni Alfajor na sinalihan pa ng mga lalong nagpagulo sa sitwasyon na sina Victor Neri, Antonio Aquitania at Mike Magat na mga actions stars na puwede rin naman palang magpatawa.

The rest of the characters are newbies, as in hindi kilala sa industriya pero napaarte ni Direk Carlo Ortega Cuevas para makapagpasaya, magbigay ng inspirasyon na hindi naisakripisyo ang entertainment value ng pelikula.

HAPI ANG BUHAY“The ultimate reason why we, EBC Films are making movies is to promote values. And I believe that promoting values doesn’t have to be boring. So we are trying our bet to educate and inspire the audience without sacrificing entertainment value,” paliwanag ni Direk Cuevas.

Si Direk Cuevas ay itinanghal na Best Director in Foreign Language Film sa kanyang pelikulang “Walang Take Two” sa Int’l Filmmaker Filmfest of World Cinema in London, and as Best Newcomer Filmmaker of the Year sa Jakarta Indonesia. Ang kanyang huling pelikula na “Guerrero” ay nanalo naman ng Best Festive Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival .

Nahuli ni Cuevas ang kinahihiligan ng mga Fi­lipino. We love to sing and dance. Dahil ito ay isang quick escape from life’s daily challenges, ayon din kay Robert Ca­pistrano ng EBC Films. Dagdag pa nito na ang Hapi ang Buhay ang pangalawang pelikula na binuo ng EBC Films sa kanilang misy-on na ma­kabuo ng mga pelikulang nakapagbibigay ng inspirasyon at kapupulutan ng aral.

Kasama ni Direk Cuevas dito si Giancarlo Escamillas bilang cinematographer na nanalo noong 2017 bilang Best Cine­matographer in a Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival.

Ang saya!

Comments are closed.