GOOD DAY MGA KAPASADA!
Walang masamang layunin ang pitak na ito na saktan ang damdamin ninyong mga kapasada sa pagiging makulit natin sa pagpapagunita sa inyo na ganire o ganito ang dapat ninyong asalin sa engine ng inyong sasakyan.
Ang tangi po nating layunin ay to inform and for you to learn the basic engine maintenance para naman sa inyo ring kapakanan at manatiling nasa kondisyon ang inyong sasakyan.
KAILAN DAPAT PALITAN ANG AIR FILTER
Simulan natin mga kapasada sa AIR FILTER. Ano-ano po ba ang gampanin nito sa engine at kailan dapat itong palitan para humusay ang kondisyon nito”
Ayon po sa service mechanic ng isang malaking talyer sa Cruz Compound sa Paranaque City, gampanin po ng air filter ang:
Na ang hangin na pumapasok sa engine ay nagdaraan sa air filter.
Sinasala nito ang iba’t ibang klase ng debris na pumapasok sa engine.
Nakatutulong ito upang ang makina ay manatiling nasa kondisyon sa matagal na panahon.
Ayon sa service mechanic, ang air filter ay dapat na palitan sa pagitan ng 15,000 at 30,000 miles de-pende on driving conditions.
Meaning, if you drive on unpaved roads, kailangan ang malimit na pagpapalit ng air filter. At kung hindi naman malimit gamitin ang sasakyan, dapat magpalit ng air filter minsan sa loob ng tatlong taon dahil sa nagiging malutong ito at madaling makapasok ang dumi o debris sa loob ng makina.
SINTOMAS NG MARUMING AIR FILTER
Ano-ano ba ang sintomas ng maruming air filter ng engine? Ano ang epekto nito sa performance ng makina?
Kabilang sa mga sintomas ng maruming air filter ang:
lack of power on hard acceleration.
hard acceleration at higher RPMs (revolution per minute) na nagiging dahilan ng pagiging malakas sa kain ng gasoline.
Ang air filter ay kailangang i-check sa tuwing magpapalit ng langis. Sa panahon ng pagpapalit ng langis, sinusuri ng inyong mechanic ang kondisyon ng air filter para malaman kung kailangan linisin sa pama-magitan ng compress air o kailangan ng palitan.
Religiously, without complain, sundin ang payo ng inyong service mechanic to your economic gains.
ANG PROPER MAINTENANCE NG RADIATOR
Ang radiator maintenance ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang engine failure samantalang lumilikha ang engine ng ibayong init habang ito ay ginagamit lalo na kung malayuan o mat-indi ang traffic.
Kapag sobrang init, the radiator pumping through the engine ay nakalilikha ng damaging heat away from it na nagreresulta sa pagkakaroon ng damage ng engine.
Ang cooling system ng makina ay umaasa sa radiator sa panahon ng paggamit ng sasakyan.
Sa mahabang pagtakbo ng sasakyan, sumasagap ito ng dumi, insekto, mga dahon na nagkalat sa lan-sangan, at iba pang debris na siyang dahilan ng pagbabara ng mga fin nito na nagiging sanhi rin ng ‘di malayang flow ng hangin sa engine sa pamamagitan ng radiator. Ito ang karaniwang dahilan ng pag-init ng makina.
Ang external radiator cleaning ay dapat ginagawa kada labindalawang buwang gamit ng makina.
Ang paglilinis ng radiator ay ginagamitan ng hose and nozzle gayundin ng soft nylon brush.
Kapag malamig na ang makina, start gently brushing the radiator fins, ayon sa direction ng fins nito.
Karaniwang nade-deform ang fins dahil sa ito ay malambot kung gagamitan ng brush ng hindi umaayon sa ayos ng fins.
Suriing mabuti ang radiator fluid levels on a regular basis. Tingnan ang antifreeze coolant level at dag-dagan kung ito ay kulang sa regular na coolant level ayon sa isinasaad ng radiator manual.
Kung ang reserve tank ay walang laman, dagdagan din ang radiator fluid, 50/50 mixture with mineral free water upang maprotektahan ang tubig sa cooling system from freezing.
Kung laging makikitang mababa ang fluid level ng radiator, ibig sabihin ay may tagas ito na dapat kaa-gad na magawan ng remedy.
Matapos linisin ang radiator, huwag kalilimutang lagyan ng 50/50 radiator fluid at tubig . Tiyakin na ang reserve container ay puno at laging tsikin ito pagkalipas ng ilang araw.
Payo ng service mechanic, doing your maintenance will help avoid radiator problems and can be a real money saver at ang pagsasagawa ng regular radiator-flush and external cleaning, mapapanatili ang magandang kondisyon ng makina at makakatipid pa sa fuel cost.
CAR TIPS SA PANAHON NG TAG-ULAN
Sa ganitong panahon ng tag-ulan, dapat maging handa ang car owners sa maaaring masamang maidulot nito sa sasakyan.
Ayon sa PAGASA, the dark clouds are not just there to bring raindrops, they also pose several threats to your car, lalo na sa panahong ito na ang flash floods ay seems to be a common occurrence sa bansa.
Kaugnay nito praktikal sa ating mga kapasada na alamin ang tips pagdating sa sasakyan nang maging handa sa anumang panahon.
***take note*** “the rainy season is upon us again. With the dry season ending, car owners should be prepared for the wet weather which is known to last for almost half a year. – source CARMUDI PH”.
Upang mapaghandaan ng mga kapasada ang kasalukuyang pagbugso ng malakas na ulan na lu-milikha ng malalim na pagbabaha sa mga pangunahing lansangan, narito ang ilang care tips checklist ng Carmudi Philippines tulad ng:
1. Clean your headlights, windshields and windows. – Ang pagiging malinis ng mga nabanggit ay makatutulong upang malinaw na makita ng mga driver ang kanyang patutunguhan.
Para sa inyong headlights, tiyaking ang mga ito ay gumaganang mabuti at kaagad palitan ang bulb nito kung medyo malabo na ang bigay na liwanag.
In addition, tsikin ang electric component ng bintana ng sasakyan kung ito ay nagpa-function upang maiwasan ang pagkabasa ng mga nakasakay.
2. Chang your wiper blades. Sa panahon ng dry season, ang inyong wiper ay nananatiling stagnant, meaning hindi nagagamit at maaaring nag-stock na ang wiper motor.
Laging palitan ang inyong wiper blade kada taon by either changing the rubber part of the blade or having the entire blade replaced upang makatiyak ng malinaw na tanaw ang patutunguhan. Huwag magtitipid: gumamit ng mabuting brand ng wiper blade upang tumagal ang gamit.
3. Check your battery: -Ayon sa source, your car’s battery is sits lifeline and even perhaps your own.
Ayon sa karanasan ng maraming driver, maraming related problems sa panahon ng tag-ulan.
Sa panahon ng tag-ulan, they undergo immense pressure from the headlights, air conditioning, wipers at iba pang kasangkapan ng sasakyan na gumagamit ng koryente ng sabay-sabay.
Upang makatiyak na hindi kayo ititirik ng inyong sasakyan kung inabutan kayo ng malakas na ulan at naipit sa buhol ng trapik, payo ng source, patingnan ito sa qualified mechanic upang makatiyak na hindi kayo ititirik nito sa ‘di inaasahang panahon.
4. Are your brakes working? Isa sa pinakamahalagang bahagi ng sasakyan ang preno (brakes).
Ito ang nagbibigay kaligtasan sa mga pasahero sa panahon ng ‘di inaasahan.
Laging isasaalang-alang na bigyan ito ng ibayong atensiyon at laging ipa-check sa mga car care specialist.
Tiyaking ang brake pads ay makalilikha ng sapat na friction material and the brake discs thickness ay umaayon pa rin sa manufacturer’s manual.
Iyong brake fluid ay kailangang malinaw pa rin ang kulay, at kung ito ay maitim at malapot na, palitan kaagad.
5. Inflate your tires properly: Laging titiyakin na may wastong amount of pressure gaya ng isinasaad sa manufacturer’s manual.
Sa madulas na lansangan, your tires are the only things that come between your car and the concrete or asphalt below.
Upang maiwasan ang car from swerving, make sure na ito ay may sapat na tread dept and grooves bago patakbuhin.
KAUNTING KAALAMAN – Sa pag-aalaga ng sasakyan, siguraduhing laging nasa kondisyon ang makina. Panatilihing katamtaman ang temperatura ng makina – hindi masyadong mainit o malamig. Tiyaking laging sapat ang brake fluid. palitan ng regular ang oil filter.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.