PROPOSAL NI GERALD KAY BEA INAABANGAN

GERALD-BEA

INAANTABAYANAN ng ibang showbiz kibitzers ang pagpo-propose kay Bea Alonzo ni Gerald Anderson.reflection Matagal na rin kasi ang kanilang relasyon at mukhang love naman talaga nila ang isa’t isa.

Ayon kay Bea, marami pa raw siyang kailangang gawin bago mag-settle down. Possible na ang dami-dami pang naka-line-up na projects for Bea. After ng kanyang first horror film titled “Eeerie” with Charo Santos na palabas na nga­yon, magsisimula na siya ng panibagong teleserye sa ABS-CBN pairing her again with Ian Veneracion plus Richard Gutierrez.

Dream come true naman for Bea ang makasama sa isang pelikula si Charo sa pelikulang “Eerie” na ang daming “firsts” sa kanyang movie career.

“Dream come true po na makasama sa frame si Ma’m Charo.

“Honestly, nu’ng umpi­sa kinakabahan ako, of course. Hindi ko alam kung paano, ano ba dapat ‘yung expectations ko. But nu’ng workshops, meet-ing, alam mo na hindi. Parang ibang ‘hat’ ang sinuot ni Ma’m Charo. She wasn’t the CEO, she wasn’t the president of ABS-CBN. She was an actress. And she was open to collaborating with you. Kaya hindi ko makalilimutan ang experience na ‘to. Isang milestone ‘to para sa akin,” lahad ni Bea.

Sabi naman ni Charo, 13 lang si Bea nu’ng ma-ma-meet niya ang co-star sa “Eeerie.” From that time on talaga raw nasubaybayan niya ang karera ni Bea sa industriya at hinangaan  siya ni Charo sa mga kabataang artista noong araw.

Very intelligent, intuitive and generous actress ang turing ni Charo kay Bea bilang aktres. Bea is also works hard and a true professional.

“Kinikilig ako. Hahaha! Gusto kong kumuha ng lahat ng copies ng interview namin.  Sabi ko nga kanina may photoshoot kami, ipa-frame ko ng ma-laki ‘yung picture namin together. Sino ang makapagsasabi na nakatrabaho ang Asia’s Best Actress ‘di ba?”

ARJO ATAYDE INALALA ANG SIMULA NG CAREER

ARJO ATAYDE-3NAMUMUKADKAD ang career ni Arjo Atayde. Sunod-sunod ang projects nito.

May first solo lead project si Arjo ang “Bagman,” kung hindi kami nagkakamali. Tumanggap ng maraming papuri si Arjo sa social media dahil sa pagganap niya bilang ma­diskarteng barber na kumakayod para sa pamilya.

For sure, sa magandang takbo ng career ni Arjo overwhelmed na overwhelmed siya. Hindi rin kasi biro ang hirap ni Arjo nu’ng nagsisimula pa lang siya bilang artista.

Kaya may hugot ang mensahe ni Arjo sa kanyang socmed account. Say niya, “When I find myself wanting to quit, I look back and ask myself why I started in the first place… that reason reminds that I should stay.”

Comments are closed.