PROPOSED ZONAL VALUE SA REAL ESTATE SA PASIG CITY DININIG

UMARANGKADA kahapon ang public hearing para sa pagbibigay ng halaga sa mga lupain, ari-arian o  real estate sa bawat barangay sa Pasig City.

Nagsanib ang iba’t ibang opisyal ng lokal na pamahalaan  at  mga pribadong sektor ng nasabing lungsod para sa public hearing at consultation para sa pagtaya ng mga halaga ng nasabing ari-arian upang maging gabay sa tamang pagbabayad ng real estate tax o pagbubuwis.

Ang public hearing  para sa 6th revision ng zonal valuation ng lungsod ay ginanap sa Tanghalang Pasigueño, Pasig City Hall na nagsimula alas-9 ng umaga at natapos pasado alas-11 ng tanghali kahapon.

Nanguna sa nasabing public ­hearing at consultation ay sina Mr. Rufo Ranario, Revenue District Officer ng Revenue District No. 043 ng Bureau of Internal Revenue; Cynthia Y. Lobo, assistant RDO;  Rodolfo Ordanes at Leslie Anne Saavedra ng City Assessor’s Office, gayundin ang ibang stakeholders na kinatawan ng National Housing Authority, Housing and Land Use Regulatory Board,  mga private appraisers na sina Marie Yvonne Apad, Engr. Juan Dayag; Carina de Guzman, regional directior, Emelita Tena ng NTRC; Atty. Rover Nomer Leytretana ng LRA; Atty. Philip Nayo ng BIR;  Albino Galanza, chairman gayundin ang mga kinatawan ng iba’t ibang condominium units at mga establisimiyento  sa nasabing lungsod.

Iginiit naman ni Ranario na ang zonal valuation ay alinsunod sa batas at may mga tamang tao na siyang nag-a-appraise kung magkano ang zonal value o  halaga ng bawat real property.

“Under the law kasi we are mandated to upgrade the zonal value every three years at dahil maraming condominium na itinatayo sa Pasig City kaya panahon na para i-upgrade na rin namin ang aming zonal value at  sumunod sa market value,” ayon kay Ranario.

Ayon kay Ranario, mayroon silang pinagbabasehan sa  pagtaya kung magkano ang dapat na ibuwis sa bawat ari-arian.

Nabatid na mas mababa pa ang zonal value sa mga real estate sa Pasig City kumpara sa naaprubahan sa Ilocos Norte.

Dagdag naman ni Ranario na ang magiging hakbang nila ay isumite ang rekomendasyong zonal valua-tion sa technical committee at nilinaw na hindi pa final ang public hearing dahil may tatlo pa itong antas para ipatupad.     EUNICE C.

 

Comments are closed.