PABOR si Senate President Francis Escudero na gawing abot-kaya at gawing mas madalî ang proseso ng annulment alinsunod sa Family Code.
Ipinasa nitong Miyerkolés, ika-22 ng Mayo, sa House of Representatives ang kontrobersiyal na divorce bill.
Paliwanag ni Escudero, magiging mura ang annulment kung papayagan ang Public Attorney”s Office (PAO) na hawakan ang mga kaso nito at gawing malinaw ng Kongreso ang ibig sabihin ng “psychological incapacity,” na isa sa ginagamit na basehan sa paghahain ng petition for annulment.