PROSESO SA PAMAMAHAGI NG 2ND TRANCHE NG SAP GUMUGULONG NA

SAP

GUMUGULONG  na ang proseso para sa pamamahagi ng second tranche ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan sa may 17 milyong pamilya na apektado ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inilabas na ng Office of the Executive Secretary ang direktiba hinggil dito.

Ani Roque, makakasama na  sa second tranche ang 5 milyon pang benepisyaryo  na ipinadagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kasama na po riyan ‘yung limang milyon na mga bagong pangalan na bibigyan po ng ayuda at ‘yung 12 million na dati nang nakakuha po during the first tranche. Ang pagkakaiba po ay gagamitan natin ng electronic ways para magbayad doon sa ating mga kababayan  at tutulong na po ang Hukbong Sandatahan sa pagdi-dsitribute ng ayuda,” ani Roque. LEN AGUIRRE (DWIZ)

Comments are closed.