QUEZON – NAILIGTAS ng awtoridad ang tatlong kabataan at pitong iba pa nang salakatyin ang umano’y dalawang prostitution den sa Tayabas at Lucena City na sakop ng lalawigang itong.
Ang magkahiwalay na pasilidad ay sinalakay ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group.
Nabatid na sa ikalawang palapag, bumulaga sa mga pulis ang mga kwarto na may naka-set up na computer at ang isa ay inabutan pa habang nakaharap sa kanyang desktop.
Sinasabi ni Lt. Wallen Mae Arancillo, tagapagsalita ng PNP-ACG na dalawang buwan din nilang minanmanan ang lugar na nagsisilbing prostitution den.
“Ayon sa imbestigasyon, itong online prostitution den ang nangyayari dito ay meron pong mga biktima na pinapagawa ng mga sexual activities online. Ito ‘yung nagla-live sila sa isang website kung saan ang karaniwang mga customer nila mga foreigners,” ayon kay Arancillo.
Inaresto ng mga pulis ang limang suspek kabilang ang tumatayong handler at target ng operasyon na si alias Nene.
Nasagip naman ang 10 biktima ng human trafficking kabilang ang 3 menor na nasa na nasa 16-17.
Kinumpiska ng mga operatiba ang computer at iba pang ebidensya sa ilegal na aktidad.
PMRT