PROSTITUTION DEN SINALAKAY, 53 DAYUHAN NASAGIP

PROSTITUTION DEN

NAILIGTAS ng pinagsanib ng puwersa ng operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Parañaque City police ang 53 dayuhang babae  na pawang mga Chinese national sa isang umano’y prostitution den na nasa tatlong palapag ng condominium sa Roxas Boulevard, Parañaque City.

Naaresto rin ng NCRPO Regional Special Unit ang 11 na suspek kabilang ang isang Filipino at mga Chinese na nagsisilbing cleaning assistants, cashiers at manager.

Ayon sa report dakong alas-11:45 kamakalawa ng gabi nang madakip ng mga kagawad ng pulisya ang mga suspek sa Manila Wellness Spa na matatagpuan sa 3rd Floor, Diamond Bay Tower, Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, Parañaque City sa ikinasang entrapment operation.

Ito ay matapos na makatangap ang pulisya sa umano’y pagmamantina ng mga dayuhang suspek ng prostitusyon den.

Ang 53 babaeng ni-rescue ng mga pulis sa naturang spa ay umano’y nagbibigay ng mga panandaliang aliw sa kanilang mga parokyanong kalahi rin nila.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa P1.8 milyong halaga ng cash.

Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, ang pagkasagip sa mga dayuhan ay kasunod nang unang nailigtas mula sa lugar na halos isang  buwan pa lamang na nag-ooperate.

Nabatid na nasa pagitan ng P9,000 at P21,000 ang bayad sa mga dayuhang sex workers.

Kasama sa mga dinakip at sasampahan ng kaso ang may 20 parokyano na naaktuhan sa prostitution den nang isagawa ang raid.

Samantala, walang business at occupancy permits ang establisimiyento kaya posibleng sampahan din ng kaukulang kaso ang may-ari ng gusali.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang naturang insidente at inaalam na rin kung legal ba ang pananatili ng nasabing mga Chinese national sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa custody na ng pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 4 (acts of trafficking in persons) of RA 9208 as amended by RA 10364 at Sec 13 (use of trafficked persons) of RA 9208 as amended by RA 10364.   MARIVIC FERNANDEZ/ VERLIN RUIZ

Comments are closed.