NANAWAGAN kahapon ang Department of Health (DOH) sa local government units na magtayo ng “protected bicycle lanes” makaraang isang nurse na nagbibisikleta papasok sa trabaho ang na-hit and run sa Maynila.
“Mr. [Renz] Perez’s untimely death only serves to amplify the call to protect our frontliners, most especially our health care workers, during the COVID-19 pandemic,” pahayag ng DOH.
Kaisa ang DOH sa nagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ni Perez na nagsilbi nang buong puso sa kanyang mga pasyente.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon dala ng COVID-19 pandemic na limitado ang public transport, ang pagbibisikleta ang isa sa paraan upang makarating ang mga manggagawa sa kanilang mga pinapasukan kaya hiling ng DOH ay agad na magtayo nito.
Sakay si Perez ng bisikleta sa Padre Burgos Street sa Manila nitong Linggo nang masapol ng pick-up truck. Namatay ito habang isinusugod sa ospital.
Isa si Perez sa mga medical frontliner na napilitang magbisikleta dahil sa kakulangan ng public transport bunga ng community quarantine.
Umaapela rin ang grupo ng nurses ng hustisya para sa kasamahan nitong nasawi.
Pinaalalahanan ng DOH ag mga motorista na maging maingat at igalang ang mga kasabayan sa kalsada lalo na ang mga cyclist at mga pedestrian.
Comments are closed.