PROTECTION, CONSERVATION NG WETLANDS MULING INAPELA

Cynthia Villar

SUPORTADO ni Se­nate Committee on Environment and Natural Resources chairman Cynthia Villar ang panawagan sa pagdiriwang sa taon ito ng World Wetlands Ce­lebration na gumawa ng aksyon para sa wetlands at apela na mag-invest ng financial, human at political capital upang mapigil ang pagkawala ng wetlands at maibalik ang mga nasira.

Sa selebrasyon sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) nitong Pebrero 22, iginiit ni Villar na taunang ipinagdiriwang ito ng United Nations para iangat ang public consciousness sa kahalagahan ng wetlands sa ecosystems dahil sa kontribusyon nito sa biodiversity, climate mitigation at adaptation, freshwater availability at sa ekonomiya.

Pinasalamatan nito ang LPPWP- Protected Area Management Board (PAMB) at ang mga partner gaya ng Society for the Conservation of Philippine Wetlands (SCPW), Asean Center for Biodiversity (ACB) at ang Philippine Wild Bird Club of the Philippines sa kanilang aktibong paglahok sa pagdiriwang na ito.

Sinabi ng senadora, base sa  2016 Atlas of Philippine Inland Wetlands and Classified Caves, meron tayong 314 inland wetlands at 2,487 river systems. Sa 314 wetlands, may 221 lakes, 12 marshes at  swamps, 9 peat lands, 39 water sto­rage at 31 ponds.

Subalit, dismayado si Villar na may mga tao kahit na yung nasa gob­yerno na  hindi naiintindihan ang kahalagahan ng wetlands.

“And what is even worse is that there are even people within the DENR who should know the significance of wetlands, yet have chosen to be ignorant of it,” giit ni Villar.

Ayon kay Villar, palaging may bantang masira ang LPPWP dahil sa mga reclamation project sa  Parañaque at Cavite.

Kinastigo rin nito ang DENR- Environmental Management Bureau (EMB) sa pagbibigay ng Environmental Clearance Certificates sa mga reclamation project.

Aniya, magdudulot ito ng matinding pagbaha sa Las Pinas, Paranaque at mga kalapit na lugar sa Cavite.

“LPPWP is a showcase of biodiversity conservation in Metro Manila and we envision it to be the premiere learning environment for urban wetlands in the Philippines as well. We are doing our best also to make it a model of sustainable eco-tourism at its best, while ensuring that its natural ecological attributes are not compromised,” diin ng senadora. VICKY CERVALES