PROTECTION ORDER NG DAVAO LOCAL COURT VS PRO 11 IBINASURA

PINAWALANG BISA ng Court of Appeals (CA) ang inilabas na protection order ng Davao Regional Trial Court Branch 15 na nagpapalis sa barikada ng mga pulis sa KOJC Compound  kung saan umano’y nagtatago si Pastor Apollo Quiboloy sa Buhangin District, Davao City.

Nangangahulugan na kinatigan ng appelate court ang ginawang pagbabantay sa paligid ng KOJC Compound ng mga tauhan ni Region Office 11 Director BGen Nicolas Torre III.

Magugunitang noong Agosto 27 ay ibinaba ng nasabing local court ang kautusan na nagpapaalis sa mga pulis at barikada ng mga ito.

Gayunpaman, giit ni Torre na walang mali sa kanilang ginawa at hindi sila kontra sa KOJC kundi layunin lamang nilang isilbi ang warrant of arrest sa kanilang lider na si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sex traffic­king of children, fraud and coercion and bulk cash smuggling.

Dagdag pa ni Torre ang hawak nilang warrant of arrest ay mula rin sa korte at mandato nilang sundin ito.

EUNICE CELARIO