PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapoproteksyonan ang local agricultural sector sa bansa.
“Kung mag-i-import lang tayo, kung talagang may kulang and that’s what I mean about the cyclical nature of crops, that we have to be sensitive to that,” sabi ng Pangulo.
Sa ginanap na pulong kahapon sa Malacanang ng mga opisyal ng Department of Agriculture at iba pang ahensiya ng gobyerno ay tinukoy ng Pangulo ang kahalagahan ng mayroong detalyadong cyclical nature ng mga pananim sa Pilipinas upang maiwasan na mag import ng mga produkto sa panahon ng anihan.
Nais ng Pangulo na detailed cropping schedule upang matiyak na hindi maaapektuhan ng agricultural imports ang local production ng bansa.
”The government must consider the sensitivities of local cropping, particularly their cyclical nature when sourcing products abroad” giit ng Pangulo.
“Hindi tayo nag-i-import ng kahit anong produkto pagka maraming production para naman magamit natin lahat ng production na galing sa Pilipinas,” dagdag pa niya.
Bilang pagtugon sa climate change, kinakailangang magpalit ng kanilang mga planting schedule sa ibang mga areas ang mga magsasaka upang samantalahin ang pagdating ng rainy season na anila’y magbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka upang magkaroon ng tatlong croppings sa bawat taon.
“The cyclical nature of agriculture aleeady exists. however, that with the advent of climate change, which complicates things, the sector should adjust accordingly” dagdag pa ng Pangulo.
Noong nakaraang taon, ang agriculture, forestry, at fisheries (AFF) sector ay gumanap ng halos 0.5 percent.
Ang naturang pagtaas ay maiuugnay sa positive Gross Value Added (GVA) growth na 2.3 percent sa livestock at 6.7 percent sa poultry sa kabila ng pagbaba sa performance ng crops at fisheries subsectors na nasa -1.1 percent at -3.5 percent, ayon sa pagkakabanggit.
Sa ilalim ng Philippine Development Plan, target ng DA ang growth rate na 1.8 percent hanggang 3.3 percent sa agriculture sector mula taong 2023 hanggang 2028. EVELYN QUIROZ