IPINAALALA ng Department of Trade and Industry (DTI) na kailangan pa rin ng pag-iingat sa mga negosyong pinayagan na muling mag-operate sa ilalim ng general community quarantine.
Simula nitong Sabado ay pinayagan nang magbukas sa 30 porsiyento ang mga gym at fitness center.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, kailangang i-require ng mga may-ari sa kanilang customers ang pagsusuot ng protective gear para maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.
Binanggit ni Lopez ang mga fitness center, gymnasium at sports facilities na kinakailangang magsuot ng gloves at mask ang mga kostumer dito lalo na’t nagsi-share ng mga equipment dito.
Mahalaga rin aniya ang physical distancing at masiguro ng mga may-ari ng mga pasilidad na may magandang air circulation system at exhaust system. Mainam rin kung open air ang establisimiyento para ang hangin sa loob ay hindi nakukulob VICKY C.
Comments are closed.