PROTEKSIYON NG MGA ARTISTA INIHAIN

PARA  protektahan ang kapakanan ng mga artista at iba pang mga nagtatrabaho sa showbiz, inihain ni Senador Robin Padilla ang panukalang batas para sa kanilang kaligtasan, habang nakatanggap siya ng panawagang maghain ng katumbas na panukalang batas para sa media.

Ani Padilla, na nagtrabaho sa pelikula at telebisyon mula pa noong 1980s, ipinangalan niya ang Senate Bill 450 bilang “Eddie Garcia Law” bilang paggunita sa beteranong aktor na namatay noong 2019.

“The bill, called ‘Eddie Garcia Law’ as a tribute to the veteran actor, is a response to the urgent call of the members of the television and movie industry for the government to provide guidelines for safe and better working conditions for the protection of the workers’ welfare in the industry,” ani Padilla na namumuno sa Senate Committee on Public Information and Mass Media.

Sa kanyang panukalang batas, ikinalungkot ni Padilla na namatay si Garcia, na isang beterano at premyadong aktor, dahil sa diumano’y kapabayaan sa kaligtasan sa lugar ng trabaho. LIZA SORIANO