MAGUINDANAO – PINAIGTING pa ng Police Region Office sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pagbibigay ng proteksiyon sa kabataan bilang bahagi ng kampanya para labanan ang karahasan lalo na’t Children’s Month ngayong Nobyembre.
Sa statement ng PRO-ARMM, ang tema para sa kanilang kampanya ay “Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa mga Bata.”
Ipinaalala rin ng PRO ARMM Regional Women and Children Protection Division (RWCPD) sa taumbayan na igalang ang karapatan ng mga bata, arugain at mahalin.
Naniniwala rin ang mga pulis na marami lamang natatakot na kabataan kaya hindi naire-report sa pulisya ang karahasan na kanilang nararanasan mula sa tahanan at maging sa paaralan.
Sinabi ni CS Graciano Mijares, regional director ng PRO-ARMM, mananagot ang sinumang magkakamali na abusuhin ang kabataan.
Aniya, tamang disiplinahin ang mga bata subalit dapat ito ay tama at walang pagmamalabis.
Sinabi naman ni PRO-ARMM spokesperson Sr. Insp. Jemar Delos Santos na madaling maimpluwensiyahan ang mga kabataan kaya dapat maging maingat ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Habang banta rin aniya sa mga recruitment ng terrorist ang kabataan kaya dapat bantayan ang mga ito kung anong grupo ang sinasamahan.
Samantala, handa ang gobyerno na tulungan ang mga kabataang naliligaw ng landas.
Ang Regional Mobile Force Company sa ilalim ng PRO-ARMM ay may programang DREAM (Drugs and terrorism R-sistance Education and Action Movement upang labanan ng kabataan ang droga at terorismo.
Nagpapatuloy rin ang information dissemination ng mga pulis sa rehiyon sa mga tahanan at paaralan upang malaman ng kabataan ang kanilang karapatan. EUNICE C.
Comments are closed.