PASADO na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9061 o ang pagkakaroon ng corporate social responsibility ng mga business organization at korporasyon, mapa-domestic man o foreign firms na pinatatakbo rito sa bansa.
Layunin ng ‘Corporate Social Responsibility Act’ na iniakda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na protektahan ang kapakanan ng mga empleyado at mabigyan din ng tuloy-tuloy na economic at environment development sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Sa ilalim ng panukala ay inaatasan din ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na makipag-ugnayan sa non-government at people’s organizations para sa integration, promotion at pagpapalakas ng CSR sa lahat ng business organizations.
Ang CSR ay commitment ng mga kompanya para makapag-ambag sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya at ng lipunan, katuwang ang mga stakeholder.
Kabilang sa mga aktibidad na maaaring gawin sa CSR ay mga charitable program at project, scientific research, youth at sports development, cultural o educational promotion, pagbibigay serbisyo sa mga beterano at senior citizens, social welfare, environmental sustainability, health development, disaster relief at assistance, socialized at low-cost housing, at iba pang employee at worker welfare- related CSR activities.
Inihain ni Arroyo ang panukala dahil maraming kompanya ang walang pagbibigay halaga sa kapakanan ng lipunang kinabibilangan at sa impact ng trabaho sa kanilang mga empleyado. CONDE BATAC
Comments are closed.