(Proteksiyon vs kalamidad) INSURANCE SA FARMERS, FISHERFOLKS

GRACE POE-3

ISINUSULONG ni Senadora Grace Poe ang pagkakaroon ng insurance para sa fisheries, livestock at poultry sector bilang proteksiyon sa mga magsasaka at fisherfolks sakaling sirain ang mga ito ng kalamidad.

Ito ang nakapaloob sa Senate Bill 866 na inihain ni Poe kasunod na rin ng  pagkawasak ng agricultural products matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal kung saan mara­ming magsasaka at mangingisda ang nawalan ng kabuhayan at maging ng sariling tahanan.

Iginiit ng senadora na sa ganitong pagkakataon dapat may insurance ang mga pananim, babuyan, palaisdaan at mga manukan na bukod sa tulong ng gobyerno ay may iba pa silang mapagkukunan  para makapagsimulang muli sa kanilang kabuhayan.

Sa ilalim ng Senate Bill 866, inaatasan ang corporate body ng Department of Agriculture (DA), ang Philippine Crop Insurance Corporation, na isailalim sa insurance ang mga fish pen, fish cage, livestock, fishing boat at poultry sector.

Iginiit ni Poe na hindi kayang pigilin ang bagyo at iba pang kalamidad subalit sa pamamagitan ng crop insurance, mapagagaan ang pasanin ng mga kababayan na maaapektuhan at matutulungan sila sa pagbangon sa kanilang kabuhayan. VICKY CERVALES

Comments are closed.