INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang regulatory powers nito sa small and large-scale mining para maabot ang standards at ma- update ng mga mining firm ang mga istriktong pagpatupad para sa kaligtasan at health programs para sa manggagawa.
Ginawa ng Pangulo ang direktiba nang makaharap at makapulong ang DENR officials sa Malacañang kahapon.
“Gusto natin ma-legalize ang mga small-scale mining firms kasi madami sa kanila illegal, kaya walang protection ang mga minero. Gusto nating palakasin ang regulatory framework para maka-operate sila nang legal, upang mabigyan ang ating minero ng assistance at protection para sa ligtas nilang pagtatrabaho,” ayon kay Pangulong Marcos.
Inihayag din ng Pangulo ang pangangailangan na mapaganda ang social protection at seguridad para sa manggagawa sa mga minahan.
“We might be able to access financing, they might be able to access social protection,” sabi pa ng Pangulo sa mga DENR official.
“Ang kawawa diyan ‘yung mga miners. They’re really not… they have no safety. Ang daming namamatay,” bahagi ng sinabi ni Marcos patungkol sa sitwasyon ng mga mnero na walang tamang pagsasanay at kulang ang kalaaman sa safety measures sa loob ng tunnel o minahan.
Sa small-scale mining, mayroong mga panukalang batas ang Pangulo na maaaring masertipikahan bilang urgent kasama ang pag-amyenda sa Republic Act 7076 o ma- incentivize ang small-scale mining (SSM), para mabiyayaan ng social assistance at labor protection gayundin ng assistance programs.
Sa ilalim ng RA 7076, o ang Act Creating A People’s Small-Scale Mining Program, ang SSM at tumutukoy sa mining activities na mabibigat ng manual manual labor gamit ang simple implementations at pamamaraan.
Ang batas, ayon sa Pangulo ay tumutukoy sa small-scale mining bilang aktibidad na “does not use explosives o heavy mining equipment.”
“I think for now the need is for the regulatory capabilities, especially the small scale,” giit pa ng chief executive.
EVELYN QUIROZ