NAKAHARAP ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. si Philippine Ambassador to the United Arab Emirates (UAE), Alfonso Ver at kabilang sa sentro ng kanilang pag-uusap ay ang permanent posting ng police attaché sa nasabing middle east country.
Tinalakay sa kanilang pulong ang mas pinabuting kooperasyon at koordinasyon ng PNP at ng embahada para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa UAE.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na tiyakin ang proteksyon ng Overseas Filipino workers at maging ang kanilang karapatan.
Pinag-usapan din sa pulong ang mga problemang kinakaharap ng OFW at maging ang Filipino community gaya ng human trafficking, human smuggling at iba pang kadalasang problema.
Tiniyak din ng dalawa na daragdagan pa ang emergency response at support systems para sa mga Filipino na nasa UAE.
Kabilang naman sa tinalakay sa pulong ang mga plano at posting permanent Police Attaches sa UAE upang maisulong ang comprehensive, integrated program para matutukan ang conflict and security laban sa global security threats.
Sinabi pa ni Azurin na napapanahon lamang na i-streamline ang mga intel-driven na istratehiya ng pamahalaan bilang suporta sa misyon, mga gawaing pagpapatakbo, tungkulin, at pangako nito sa kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa rehiyon at internasyonal.
“Our focus is on expanding efforts to address transnational crimes by improving coordination and communication with the international intelligence community. By considering internal security concerns globally, we can better respond to and prevent transnational crimes that may impact the country,” ani Azurin. EUNICE CELARIO