NANAWAGAN ang sikat na Hollywood actor na si Leonardo DiCaprio kay Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na mamagitan at protektahan ang Masungi Georeserve na rainforest sa lalawigan ng Rizal sa gitna ng ulat na may mga nanghihimasok na commercial establishment at plano umanong kanselahin ng pamahalaan ang kontrata nito sa kasalukuyang namamahala nito.
Ang Oscar award winning aktor na mas nakilala sa pelikulang “Titanic” ay kilalang advocate ng environment o kalikasan. Sa kanyang ay post sa Instagram ngayong Huwebes July 4 (Philippine time), nanawagan ito sa administrasyon ni Marcos na protektahan ang naturang lugar matapos magbigay aral at kaunting impormasyon sa kahalagahan ng Masungi Georeserve. Naniniwala siyang ang naturang rainforest na isang protected area sa Tanay, Rizal, ay nanganganib sa banta ng mining, logging activities ,at iba pa.
“Masungi is a lush montane rainforest landscape outside of Manila, the bustling capital of the Philippines. In the late 1990s, much of Masungi was illegally deforested. Local communities fostered the development of the @masungigeoreserve, spurring efforts to restore this precious ecosystem. From these conservation initiatives, trees were able to grow taller, wildlife numbers slowly increased, and more locals became involved in protecting this ecosystem,” ang isinulat ng aktor na may larawan at caption nito at video ng naturang rainforest.
“Now this success is in jeopardy, as the Department of Environment and Natural Resources threatens to cancel the agreement that protects this area from prolific land-grabbing activities. This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” ang sabi ni DiCaprio.
Nagpahayag ng malasakit si DiCaprio at binigyang diin sa kanyang panawagan kay Marcos na ang Masungi ay makakatulong sa Pilipinas sa “sustainability aspects”.
“Join local rangers in calling on President @bongbongmarcos to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action,” ang paliwanag ng Hollywood Star.
Si DiCaprio ay nakilala bilang outspoken advocate para sa mga environmental sa kanyang buong karera. Sa edad na 24, itinatag niya ang Leonardo DiCaprio Foundation (LDF) na ang pangunahing layunin ay magbigay ng awareness o kaalaman tungkol sa mga environmental issues at paglaban sa climate change.
Naging star din siya sa iba’t ibang pelikula na may tema tungkol sa environmental awareness at naghost ng documentary film na “The 11th Hour.”
Sa kanyang talumpati bilang Oscar Best Actor winner ng 2016 sa pelikulang “The Revenant,” nagpahapyaw siya tungkol sa banta ng climate change. “It is the most urgent threat facing our entire species, and we need to work collectively together and stop procrastinating,” ang sabi niya
Nitong Abril, ang mga Filipino celebrities na si Nadine Lustre and P-pop boy group member Justin De Dios ng SB19 ay nagbigay panawagan din na protektahan ang Masungi sa mga banta ng pagkawala nito.
Ang Masungi Georeserve ay pinamamahalan ng Masungi Georeserve Foundation Inc. (MGFI) at pinopondohan ng pribadong kompanyang private firm Blue Star Construction & Development Corporation.
Nitong Abril binatikos ng Environmental Group na Masungi Geopark ang hakbang ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na kanselahin ang 2017 Memorandom of Agreement sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang naturang advocacy foundation. Ayon kay Yulo Loyzaga, maituturing na ang kontrata ay “void from the start”.Idinagdag din ng DENR chief na wala rin aniyang accreditation sa Department of Tourism ang naturang kompanya na nagpapalakad ng naturang resort at nagkaroon aniya ng legal infirmities dahil sa billing na sinisingil nito sa ahensya at “unlawful” excise of land na isang national park at nakalaan din aniya para sa proyekto ng pabahay ng pamahalaan.
Sa isang statement na nirelease ngayong Huwebes, binigyang diin ng DENR na pinahahalagahan nila ang mga pahayag ng mga eksperto at kilalang personalidad ng likas na yaman ng Pilipinas, subalit walang sinuman anya ang makakatakas sa batas.
“We appreciate the statements of concern for the Philippine environment from international celebrities who are distinguished in their respective fields. However, No one is exempt from the law,: ang pahayag ng DENR sa kanilang official statement na pinadala sa media.
Giit ng DENR, patuloy aniya nitong pagtitibayin ang pagsunod at pagpapatupad ng batas, pagkilala sa mga proseso at alituntunin ayon sa mga umiiral na batas.
“As the DENR continues to take steps toward strengthening its compliance and enforcement capacities,we value all those parties who have submitted themselves to the required processes and procedures as defined by existing laws,” dagdag pa ng DENR.
Ayon sa DENR, pagmamay ari ng bawat Pilipino ang lupang kinatatayuan ng Masungi Georeserve Foundation (MGF).Ang operasyon ng mga resort na naniningil sa publiko para sa day tour, meeting at kasal ay hindi sumusunod sa batas ng bansa.
“The Filipino people own the area occupied by Masungi Georeserve Foundation and the operation of resort venues that charge the public for day tours, meetings and weddings remains non-compliant with the Philippine laws,”ang giit ng DENR sa kanilang statement.
Ang naturang sigalot sa pagitan ng DENR at Blue Star Construction and Development Corporation (BSCDC) ay nag ugat sa pagpapadala ng naturang kompanya sa ahensya ng statement of account na may petsang April 11, 2024 kung saan sinisingil ng Blue Star ang DENR ng PHP1,186,097,554.63 na gastos aniya mula June 2018 para sa legal fees, security expenses at damages o danyos dahil sa pagkaantala ng delivery ng lupain na kanilang gagamitin sa “DENR of Lot 10 OCT No 3556 pursuant to Clause 3.2 of the Joint Venture Agreement”. Pinalagan ito ng DENR na nagsasabing lupa ito ng pamahalaan at pag-aari ng mga Filipino.
Paliwanag ng DENR sa kanilang statement, ang naturang lugar ay sakop din ng Joint Venture Agreements (JVA) at Supplemental Agreement (SA) para sa mga proyektong pabahay ng gobyerno.
Ang naturang rainforest ay may lawak na 2,700 ektarya na nasa pagitan ng siyudad ng Antipolo at bayan ng Baras, Tanay, Rodriguez, at San Mateo, sa lalawigan ng Rizal.
“The Masungi Georeserve resort collects entrance fees from tourists (PHP1,500 per person on weekdays and PHP1,800 on weekends). It offers accommodations starting at PHP5,000 a night and hosts events like weddings and company events with rates starting at PHP120,000. The resort has a restaurant,” ayon sa mga nauna ng mga pahayag ng DENR.
Ilan sa atraksyon ng naturang georeserve ay tourist trek sa mga kweba, stone formations, trails, rope bridges, at spider web-like elevated platform na may 360-degree view ng Sierra Madre mountain range.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia