PROVEN HEN OVER UNIVERSAL BROODSTAG

SABONG NGAYON

IN terms po ng quality ng magiging anak para kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp ay palaging quality mag anak ang hen kaysa pullet lalo na kung health condition/status ang pag-uusapan.

“Palagi pong high station stag ang ipapares ‘yung bago lang nagbubusisi/nagangasta kasi para active ang semilya at ang tendency po kasi kapag matanda na ang materyales paliit ang sukat ng magiging anak,” sabi niya.

“Para po ang magiging anak ay panlaban na at pang materyales pa ang breeder po, dapat ang nakakaalam kung alin mismo ang gagamitin pangkasya kung kabisado mo ang linyada mo, higit sa lahat ay dapat kaya mo ipaliwanag kapag may nagtanong,” dagdag pa ni Doc Marvin.

Sa pamimili naman ng panlaban, importante palagi ang may naka-set na pamantayan para madali kang  makapili at malapit sa panalo kasi po naka-kapagod na napakahirap pa ang maghanda ng manok na hindi mo kursunada lalong-lalo na kung ito ay may kapintasan o diperensiya, ayon pa kay Doc Marvin.

“Kung matalo man ang manok ay laban mo naman at kursunada mo naman kaya po ang dapat ay walang dahilan para walang sisihan,” ani Doc Marvin.

“Madali lamang po ang humanap ng manok na super super ang galing at abilidad pero hinding- hindi ka makakakita ng manok na siguradong mananalo!” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Doc Marvin na dapat tingnan natin palagi kung nagtutunaw ng kanilang kinain lalo na ‘yung mga manok na naka-cord o nakatali.

“Kung ang ating mga alaga ay hindi sakitin during growing stage o habang lumalaki ay wala masyadong dapat alalahanin kasi matatatag sila sa anumang kalamidad na dumating,” ani Doc Marvin.

“’Yung manok na sakitin noong sila ay bata pa na pinilit mo buhayin ay iyan po ang unang bumibigay o madali tamaan ng sakit na magiging carrier/ hahawahan niya ‘yung mga healthy kaya doon po tayo dapat sa usapan na mga healthy lang. ‘Yon nga po manok na hindi nagkasakit ay natatalo ay lalo na po siguro ‘yung manok na nagkasakit. Ang pinakamabisa na gamot sa anumang sakit o karamdaman ng ating mga alaga para sa akin ay wala nang tatalo sa sila ay pagpapatayin!” dagdag pa niya.

Comments are closed.