PROVINCIAL BUS BALIK-EDSA, MMDA TATALIMA SA KORTE

PROVINCIAL BUS

MAKATI CITY – NIRERES­PETO ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang order ng Quezon City Regional Trial Court Branch 223 sa pansamantalang pagpapatigil sa implementasyon ng provincial buses ban sa EDSA.

Sa pahayag ni MMDA General Maganer Jojo, umaasa pa rin sila na maisasagawa nila sa susunod na linggo ang dry run upang maobserbahan ang naturang polisiya.

“In the light of the recent issuance of QC RTC Branch 223 relative to the provincial buses being directed to use the Interim Valenzuela and Santa Rosa integrated terminals, the MMDA fully respects the order,” ani Garcia.

“We remain open and receptive to all possible inputs that the dry run may result with,” aniya pa.

Noong Hulyo 31 ay nagpalabas ang QC Regional Trial Court ng kautusang writ of preliminary injunction sa pagpapatigil sa MMDA sa implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA matapos na ang bus operators ay mag-post ng bond na P1-million na humihiling sa pagpapatiigil ng naturang kautusan.

Nagbigay rin ng kautusan ang naturang korte sa MMDA at LTFRB hanggang Agos­to 14 na sagutin ang civil case na ikinaso sa kanila.

Matatandaan na ang MMDA ay nagpalabas ng isang regulasyon na kakanselahin ang business permit ng lahat ng terminal at operators ng pub-lic utility buses sa EDSA.

Sa naturang kautusan ng korte, ipinahayag ni Garcia na ang kanilang legal team ay makikipag-usap sa Solicitor General. MARIVIC FERNANDEZ