MAKATI CITY – PINAGPAPLANUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na i-lift ang provincial buses ban sa EDSA kapag naging matagumpay ang carpooling policy.
“Next move talaga namin dito is para sa commuters… we’re going to lift the ban sa mga buses sa EDSA, wala nang coding ‘yan,” ani MMDA general manager Jojo Garcia.
Ipinunto ni Garcia na binibigyan nila ng prayoridad ang kapakanan ng nakararami kung saan karamihan sa mga mananakay ay sumasakay ng bus.
“However, the agency could not lift the ban now kung walang susunod sa HOV kasi lalong sisikip,” ani pa ni Garcia.
Matatandaan na nitong Agosto 23 ay ipinatupad ang provincial buses ban sa EDSA tuwing rush hours.
Muling umapela si Garcia sa mga pribadong motorista na subukan ang carpooling tuwing rush hour sa EDSA para hindi aniya makadagdag sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang dry-run ng HOV lane policy sa buong EDSA kahit suspendido pa ito habang hinihintay ang resulta ng dialogue sa pagitan ng Metro Manila Council (MMC), Senado at Office of the President hinggil dito. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.