GOOD day mga kapasada! Samu’t saring reaction ang ipinarating ng mga nasa industriya ng sasakyan sa pitak na ito pagkatapos ng mahabang pagmumunimuni nitong nakaraang kuwarisma. Para sa kanila, sa kanilang ginawang pagninilay nitong nakaraang HOLY WEEK ay kasamang matatapos ang kanilang hinagpis sa kanilang dinaranas na paggulong sa lansangan sa araw-araw para kumita ng ikabubuhay ng pamilya.
Ang iba ay may paniniwala na dahil sa sobrang kasalanan ng mga taong nabubuhay sa pasaway na paraan ang dahilan kung bakit ayaw dinggin ng Panginoong Maykapal ang kanilang mga idinadalanging pagbabago ng kalakaran ng buhay.
Unang kalbaryong kanilang inihihingi ng lunas sa mga kinauukulan ay ang pagbabawal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa provincial buses na magbaba ng pasahero sa kahabaan ng EDSA.
At kamakailan nga, ipinatupad ng MMDA na ang provincial buses ay hindi na puwedeng magbaba sa EDSA at inihayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang provincial buses should pick up and drop off passengers only designated terminals.
At gaya nang babala ni Garcia, tinupad ng MMDA ang reinforce the no loading, unloading policy along the whole stretch of EDSA para sa provincial buses simula noong Abril 22, 2019.
MMDA KINALAMPAG NG MGA PROVINCIAL BUS OPERATORS
Kinalampag naman ng mga PROVINCIAL BUS OPERATORS OF THE PHILIPPINES ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at hiniling dito na pag-aralang mabuti ang relocation ng mga provincial bus terminal sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Alex Yague, pangulo ng PBOP na relocating the provincial Bus terminal to Valenzuela and Sta. Rosa, Laguna mula sa EDSA ay magdudulot ng malaking inconvenience sa mga pasahero na mula sa Katimugang Tagalog at sa Hilagang Luzon.
Binigyang diin ni Yague na bukod sa laki at sa karagdagang gastos, magdaranas din ang mga pasahero ng malaking problema sa pagdadala ng kanilang mga bagahe.
Ipinaliwanag ni Yague na ang mga city bus at mga UV Express na lilipatan ay walang baggage compartment para paglagyan ng mga bagaheng ito ng mga pasaherong galing sa lalawigan.
“Sa tingin namin puwedeng gamitin ang terminal pero hindi siya sapat kung doon na rin maggagarahe ang mga bus, doon na rin aayusin ang maintenance ng mga bus sa mga terminal na ito,” paglilinaw ni Yague.
Sa pahayag naman ng bus conductor na si Alex Javellana, ang naturang planong relocation ay lalong lilikha ng buhol ng trapiko sa bahagi ng Valenzuela at Sta. Rosa.
“Hindi po kami papabor doon kasi iniisip po naming mga commuters sa dami po ng volume araw-araw na lumuluwas kawawa naman ang mga ito na naghahabol ng oras. Matatrapik din dahil iisa lang ang pinapasukang toll doon, maliit pa, ngayon lang sobrang trapik na roon,” daing ni Javellana.
AALISAN NG LINYA ANG UV EXPRESS NA MAY PROVINCIAL ROUTES
May plano naman ang MMDA to crackdown on UV Express vehicles na may provincial routes.
Kabuntot ito ng napagtibay na resolusyon kamakailan ng Metro Manila Council na kanilang pagbabawalan ang pagkakaloob ng business permits sa lahat ng public utility bus terminal at iba pang public utility vehicles sa kahabaan ng EDSA.
Sa isang pahayag sa radio ni MMDA General Manager Jojo Garcia nitong nakaraang Marso 27, na balak ng MMDA na ipasara hindi lamang ang 47 bus terminal sa kahabaan ng EDSA kundi ang lahat ng 96 bus at UVs express terminals sa Kalakhang Maynila sa buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Garcia na humigit kumulang sa 10 ektarya (land area) ng interim terminals sa Valenzuela City at sa Sta. Rosa Laguna ay sapat na ang luwang para ma-accommodate ang lahat ng concerned terminals na sumasakop sa humigit kumulang sa 1.6 ektarya lamang.
INJURIES NA LIKHA NG ROAD TRAFFIC CRASHES
Kalunos-lunos ang ulat ng Department of Health (DOH) na ang pangunahing dahilan ng injuries ay road traffic crashes sa bansa.
Sa bawat taon, humigit kumulang sa 1.2 milyong tao sa buong mundo ang namamatay dahil sa road traffic crashes.
Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa pagitan ng 20 milyon at 50 milyon o higit pang tao ang nagdaranas ng non-fatal injuries, na ang karamihan ay nakararanas ng iba’t ibang kapansanan na likha ng naturang insidente.
Ang road traffic injuries na pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga taong nasa pagitan ng 15 at 29 taong gulang.
Samantala, sa Filipinas, nakapagtala ang Philippine Statistics Authority ng 10,012 na namatay likha ng road traffic crashes noong taong 2015.
Ipinamalas naman ng Department of Health (DOH) na may kabuuang 30,412 road crash-related injuries ang naganap noong 2015 – a 61.24% increase mula sa 18,861 recorded injuries noong 2014.
Samantala, binigyang diin naman ng World Health Organization na without sustained action, road traffic crashes will be the 7th leading cause of death by the year 2030.
KARANIWANG INJURIES NA NATATAMO SA FILIPINAS
Sa Filipinas, ang karaniwang kapansanang natatamo sa mga road traffic crashes ay:
- Abrasion na karaniwang kumakatawan sa mahigit pa sa road crash-related injuries.
Ang abrasion ay ang pagkakasugat na likha ng superficial damage sa balat (galos) na bunga ng pagkabagok sa daan o kaya ay pagkasagi ng ibang sasakyan.
- Ang ikalawang type ng injury ay ang pagkakaroon ng open wound at laceration.
Karaniwang resulta ito ng pagkalaslas ng body tissue o pagkakaroon ng sugat sa bahagi ng katawan.
Samantala, ang iba pang injuries na natala (recorded) noong 2015 ay: contusion o pagka-damage ng blood vessels likha ng blow, closed fracture, concussion, at avulsion o kaya kung ang body structure is forcibly detached from its normal position.
MOTORCYCLE RIDERS MOST VULNERABLE TO INJURIES
Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang motorcycle riders have constantly been the top victim of road crash injuries simula pa noong taong 2010.
Sa talaan ng DOH, ipinamalas mula sa bilang na 6,244 injuries na naganap noong 2010, tumaas ang recorded number of injuries sa 19,852 sa loob lamang ng limang taon.
Ayon sa recorded injuries na naitala ng DOH, 1.3% ng fatalities ay walang suot na helmet, at 1.3% naman ang may suot na helmet.
Ang karaniwang biktima ng injuries ay ang mga driver samantalang sumunod sa mga ito ang mga backrider.
Ayon sa DOH, ang mga driver ang karaniwang prone to crash injuries dahil sila ang nakaupo sa unahan, at karaniwang closer to the impact of the crash.
Samantala, ang mga backrider ay karaniwang nagtatamo ng pananakit ng dibdib, gayundin ng head and neck injuries na less serious kung ikukumpara sa driver.
KARANIWANG DAHILAN NG ROAD ACCIDENTS AT PAANO MAIIWASAN
Maraming dahilan kung bakit nai-involve sa aksidente ang bawat motorista o manlalakbay. Maaaring ang dahilan nito ay pagkasira ng makina (vehicle defect) o kaya naman ang pinakakaraniwang dahilan na “human error”.
Ayon sa Safe Kids Worldwide Philippines (SKWP), sinabi ni executive director Jesus dela Fuente na ang karamihan sa fatal road mishaps sa bansa ay bunga ng pagiging gahaman sa pagpapatakbo ng sasakyan o ang tinatawag na over speeding.
Tulad din ng over speeding, binanggit ni dela Fuente na ang human error tulad ng conter flowing, drunk driving, losing control of the vehicle, at illegal turning ay nananatiling pangunahing dahilan ng road crashes.
Mula naman sa ulat ng Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS) tungkol sa road crashes, maaaring maiwasan ang ganitong malagim na sakuna sa pamamagitan ng:
- proper training
- pagiging mahinahon sa pagmamaneho
- paggalang sa mga road signages at
- pagkakaroon ng kortesiya sa kapwa driver at passenger.
Gayundin, binigyang diin ng MAMARAS na ang strict implementation of laws and programs ay isa sa mga hakbang na maaaring gawin sa lumalalang problema sa road safety sa bansa tulad ng installation of speed limit devices in public vehicles, dashscams at CCTVs para sa protection hindi lamang ng mga driver at pasahero kundi maging ng mga pedestrian lalo na sa mga Senior Citizen at mga may kapansanan (PWD).
Idinagdag din nitong kailangang disiplinahin ang mga pasaway na drivers to reduce the chance of accidents and will make the road safer for everyone.
LAGING TATANDAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
HAPPY MOTORING!
Comments are closed.