ZAMBOANGA CITY- BIGONG mapatay ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) subalit hindi nakaligtas sa kamatayan ang kapatid nito sa nangyaring pamamaril at tangkang paglikida kay Sulu Provincial Election Supervisor (PES) Atty. Vidzfar Julie nitong Sabado ng umaga.
Agad na kinondena ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang pananambang kay Atty Julie na naganap sa Zamboanga City kasunod ng panawagan sa lahat ng security forces ng gobyerno na agad gumawa ng kaukulang aksyon kaugnay nito.
Nasa maayos na kondisyon ang opisyal ng poll body subalit nalagutan ng hininga ang kapatid nito na kasama sa loob ng pinagbabaril na sasakyan.
Hinimok naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga awtoridad na agarang gumawa ng aksyon patungkol sa pangyayari upang matiyak na mapapanagot ang nasa likod ng krimen.
“No words are enough to condemn this treacherous act of violence against our people. What is more gruesome and unforgivable is when a loved one is caught in the crossfire, so to speak. We are not yet prepared to cry hopelessness, but a call for immediate action from authorities is strongly demanded,” pahayag ni Chairman Garcia.
Sa post naman ni Atty. Julie, tinawag nitong mga duwag ang nasa likod ng pangyayari at hinamon niyang lumantad ang mga ito at magpakilala.
VERLIN RUIZ