PROVINCIAL HEALTH OFFICE NAKAALERTO VS CORONAVIRUS

Eva Rabaya

NORTH COTABATO – NGAYONG may kumpirmado ng kaso ng coronavirus sa Filipinas, mas pinaiigting at nakaalerto ang surveillance and monitoring unit ng Integrated Provincial Health Office.

Ayon kay Integrated Provincial Health Office Head Dra. Eva Rabaya, umaabot sa 30 katao na ang under surveillance matapos makitaan ng sintomas ng novel coronavirus.

Nagbaba na ng kautusan ang National Government sa mga health office sa bansa na aktibong nakikipag-ugnayan sa mga health centers at sa lahat ng ospital.

Kabilang na ang may kasaysayan ng pagluwas sa ibang bansa lalo na sa China mula sa North Cotabato.

Paliwanag nito na sipon, ubo at lagnat ang karaniwang sintomas ng nCoV at kagaya aniya ng trangkaso ngunit maaring makaramdam ng hirap sa paghinga.

Nagbabala rin ang opisyal na ito ay lubhang nakahahawa kaya payo nito sa publiko na ugaliing kumonsulta sa doktor kung makakaramdan ng sakit sa katawan dalawa hanggang tatlong araw. MHAR BASCO