PROVINCIAL JAILGUARD TIMBOG SA SHABU

LAGUNA – PAGLABAG sa Sec 5 and Sec 11 Art II of RA 9165 ang kasong kinakaharap ngayon ng isang miyembro ng Laguna Provincial Jailguard (LPJ) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga kagawad ng PDEA4A, Sta. Cruz PNP at Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Brgy. Bagumbayan, Sta Cruz Huwebes ng umaga.

Batay sa ulat ni PIU Chief Lt. Col. Arvin Avelino kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Pe­talio II, nakilala ang suspek na si Gary Pascua y Tarlit, may asawa, residente ng Brgy. Santisima ng bayang ito.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagkasa ng Anti-Illegal Drugs Operation ang mga tauhan ni Avelino sa lugar habang isa sa mga ito ang nagpanggap na poseur buyer gamit ang halagang P2,000 pambili ng shabu.

Aktong lulan sa kanyang minamanehong motorsiklo ang suspek patungo sa LPJ nang isagawa ng mga opera­tiba ang naturang operasyon kasunod ang pag-aresto rito.

Narekober ng pulisya sa suspek ang limang piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet sa hindi pa mabatid na gramo ng shabu at buy bust money.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz PNP Custodial Cell.

Samantala, inihayag si LPJ Warden Ret. General Norman Pinon na hindi inaasahan na nagtutulak ng droga ang kanyang tauhan na si Pascua, kung saan magsasagawa rin ito ng masusing imbestigasyon. DICK GARAY

45 thoughts on “PROVINCIAL JAILGUARD TIMBOG SA SHABU”

  1. 111469 401900As I web site possessor I believe the content material matter here is rattling great , appreciate it for your efforts. You need to keep it up forever! Greatest of luck. 10424

Comments are closed.