PROV’L BUS BAN SA EDSA

BUS BAN-3

NANINIWALA ang transport at commuter group na Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP) na hindi pinag-isipang mabuti ang pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.

Ang pahayag ay ginawa ni LTOP President Orlando Marquez kasunod ng kautusan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-ban ang provincial bus sa EDSA simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Marquez, sa kanilang pag-aaral at monitoring ay nasa 1 mil­yong commuters ang tuwirang maaapektuhan ng bus ban.

“Alam na nila ‘yung from North to South at East and West, apektado ng proposed bus ban na gustong ipatupad ng MMDA at LTFRB, kaya please lang, alam na­ming matatalino ang mga taong ito kaya sana lang pag-isipan n’yo muli ang proposed order na ito por dios,” ani Marquez.

Aniya pa, mapipilitan ang kanilang grupo na gumawa ng marahas na hakbang kapag iginiit na ipatupad ang bus ban sa EDSA.

Doble umanong perwisyo, gastos at pagod, lalo na sa persons with disabilities at senior citizens ang nasabing hakbangin. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.