PROV’L BUS MULA CAGAYAN BIBIYAHE NA SA MANILA

INAPRUBAHAN na ng pamahalaan ng Tuguegarao City, Cagayan ang muling pag-ooperateang ng pampublikong bus ng biyaheng Maynila at pabalik.

Nakipagkasundo ang Provincial Government ng Cagayan sa Land Transportation Franchising Regulartory Board (LTFRB) Regional Office 2 para buksan ang inter-regional route.

Magsisimula ang biyahe sa Disyembre 1 ngayong taon.

Tiniyak naman ni Cagayan Governor Manuel Mamba na masusunod ang lahat ng mga health protocol na nakapaloob sa ilalim ng Alert Level System na naglalayong maiwasan na magkaroon ng super spreader ng virus sa lalawigan.

Ang mga kaukulang LGU’s ay magbabalangkas ng guidelines katuwang ang LTFRB na siyang susundin para sa kaligtasan ng publiko at mga manlalakbay.

Sa Cagayan, lugar ang may terminal ng mga bus papuntang Maynila na kinabibilangan ng Tuguegarao City, Aparri, Sta. Ana, Lasam, Ballesteros, Gonzaga at Junction Libertad sa Abulug.
IRENE GONZALES