KASAMA sa plano ni presidential frontrunner at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng mga proyektong dagdag na tulay at kalsada sa Bicol Region na maaaring magpaikli sa oras ng biyahe mula sa rehiyon papuntang Maynila vice-versa.
Sa isang press conference na ginanap kamakailan kasama ang mga local media mula sa Bicol at Panay, naitanong kay Marcos kung posible pang maipagpatuloy niya ang planong pagtatayo ng tulay mula sa malalayong lugar sa Bicol Region.
Isa sa mga proyekto ay ang tulay mula Naga City papuntang Maynila na nasimulan noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ipinagpapatuloy sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ayon sa pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), matagal na nilang napag-usapan ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang kahalagahan ng nasabing mga proyekto sa rehiyon, “kaya’t importante na matapos ang mga iyon”.
“I remember I once went to Legazpi from Manila, it took me 18 hours because at that time sira-sira talaga yung daan, and some sections have been improved pero many sections are not as good, so yes that is in the planning, that is part of my overall plan,” dagdag pa ni Marcos.
Bukod sa mga tulay at kalsada bubuhayin din ni Marcos ang Bicol Express at ang mga nakapaligid na kalsada doon.
“Iyong Bicol Express, siguro maaari din natin buhayin iyan. Dahil nandiyan na eh, meron ng railings ng tren, nasa plano rin. Iyong Bicol Express na railroad sa aking palagay is something that we should look into,” sabi ni Marcos.
Idinagdag pa niya na dapat talagang ipagpatuloy ang mga proyekto upang maging pantay ang pag-unlad ng mga rehiyon sa bansa hindi lang isang sektor at area kundi lahat dapat ay sabay-sabay ang pag-angat.
“Because kung hindi (ma-develop), hindi magiging pantay ang development sa different regions eh kailangan natin pag pantayin, if only to have some semblance of organizations, although it’s good to have very rapid development, it also has to be a balanced development,” sinabi ng dating senador.
“Hindi lang isang sektor hindi lang isang area, na nadi-develop, kailangan sabay- sabay, so that’s when the infrastructure becomes critical, so yes that is part of the plan,” dagdag pa ng dating senador.