PRRC, HINIMOK ANG PUBLIKO NA IBAHAGI ANG NATATANGING KUWENTO HINGGIL SA ILOG PASIG

HINIMOK ng Pasig River Rehabilitation Commission’s (PRRC) ang publiko na ibahagi ang kanilang mga natatanging kuwento hinggil sa Ilog Pasig.

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, mahalagang malaman ng mamamayan ang mga kuwentong ito para magsilbing inspirasyon sa kanila sa pagtulong para buhayin ang Pasig River. Ang mga kuwentong ito ay maaaring ipadala sa PRRC at ang mga mapipili ay ilalathala ng komisyon sa theriverman.org.

“Kailangang maibahagi natin ang mga natatanging kuwentong ito para malaman din ng publiko kung paano natin pinahahalagahan ang Pasig River kaya ipadala ninyo ang inyong mga kuwento sa [email protected],” dagdag ni Goitia.

Kasabay nito, tiniyak ni Goitia na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang ginagawang pagkilos para buhayin ang naghihingalong ilog sa pamamagitan ng walang tigil na clean up drive ng PRRC River Warriors sa mga ilog at esterong karugtong ng Pasig River.

Ani Goitia, umaabot  sa 21 milyong kilo ng basura ang nakuha ng PRRC River Warriors sa Pasig River.

Dahil sa pagsusumikap at determinasyon ng PRRC, umaabot na sa 17 estero na ang nai-convert nito na ma­ging mga environmental preservation areas.

“Ang Pasig River ay dating biologically dead pero ngayon unti-unti nang nabuhay ang ilog,” dagdag ni Goitia. “Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang publiko para mabuhay muli ang Pasig River dahil unti-unti na itong nangyayari.”

Bunsod nito, nanawagan si Goitia sa publiko na maki­pagtulungan sa pamahalaan sa rehabilitasyon ng Pasig River.

“You are not only helping us but the generations to come, they will realize that Pasig River is a dream that will become a reality,” dagdag ni Goitia.

Comments are closed.