NAGSAGAWA ng aerial inspection ang Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Senador Christopher “Bong” Go, ang mga kababayan natin sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan sa Surigao del Norte, Dinagat Islands at Southern Leyte nitong Sabado, upang personal na damayan ang mga residente at makita ang lawak ng pagkawasak na dulot ng Bagyong Odette.
Si Go at ang Pangulo ay umalis mula sa Metro Manila at dumaan sa Isla ng Siargao bago dumaong sa Surigao City.
Matapos suriin ang pinsala sa paliparan, nagsagawa sila ng aerial inspection sa Dinagat Islands bago tumuloy sa Maasin City sa Southern Leyte kung saan nagpaabot sila ng tulong at nakipagpulong sa mga pinuno upang pag-usapan ang mga rescue at recovery efforts.
Sa pagbabalik sa Surigao City, namahagi sila ng tulong at nakipagpulong sa mga pangunahing opisyal ng bansa.
Tiniyak ni Go na ibibigay ng administrasyong Duterte ang lahat ng uri ng tulong na kailangan ng mga komunidad upang palakasin at pabilisin ang kanilang pagbangon.
Pagkatapos ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno, mga unang tumugon at mga boluntaryo na ginagawa ang kanilang makakaya upang tumugon sa kalamidad at magligtas ng mga buhay.
“Asahan po ninyo na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para makabangon kayo muli mula sa pagsubok na ito. Hindi kayo pababayaan ng gobyerno ninyo na palaging nagmamalasakit sa inyo.
Magbayanihan po tayo,” ani Go. “Sisikapin natin na maibalik sa lalong madaling panahon ang supply ng kuryente, komunikasyon at tubig sa mga apektadong lugar.
Patuloy ang rescue and recovery operations at ang pagbibigay ng pagkain, tubig at iba pang relief sa mga nasalanta.
“Buong gobyerno nandito para tumulong at gampanan ang kanilang tungkulin,” pagtiyak pa ng senador.
Sa situational briefing sa Maasin City, nangako si Pangulong Duterte na maglalabas ng P1 bilyon na calamity funds sa mga LGU na apektado ng bagyong Odette.