PRRD ‘DI DADALO SA ASEAN SUMMIT

HINDI dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian (ASEAN) Nations Leaders’ Meeting na gaganapin sa Sabado, Abril 24, sa Jakarta, Indonesia.

Sa halip, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang kakatawan sa Pangulong Duterte.

Tiniyak naman ni Locsin na binibigyan ng halaga at suportado ng Pangulong Duterte ang ASEAN summit na isang special Leader’s Meeting para pag-usapan ang mga suliranin sa rehiyon kasama na ang recovery efforts, mga sitwasyon sa Myanmar, ASEAN community building efforts, external relations, at regional and international issues.

Samantala, hindi lang si Pangulong Duterte ang liliban sa 2021 ASEAN Summit dahil mayroon ding ibang ASEAN leaders na hindi makadadalo.

“Several ASEAN heads of state cannot also attend,” ayon kay Roque. EVELYN QUIROZ

3 thoughts on “PRRD ‘DI DADALO SA ASEAN SUMMIT”

Comments are closed.