PRRD INIP NA SA COVID-19 VACCINES

DUTERTE-35

INAMIN ni Presidential Spokesman Harry Roque na naiinip na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Roque na nais nang ikasa ng pamahalaan ang massive immunization program upang matapos na ang pandemya at makarekober na ang ekonomiya.

“Tatapatin ko kayo, si Presidente ang nagsalita na siya mismo naiinip na, kinakailangan dumating na ang mga bakuna,” pahayag ni Roque sa isang TV interview.

Dahil sa pagnanais ng Pangulo na maisakatuparan ang pagbabakuna ay sinertipikahan nito bilang ‘urgent” ang panukalang indemnification fund law  na naglalayong magkaroon ng compensation ang mga  tao na maaaring magkasakit o mamatay kapag naturukan ng COVID-19.

Ang indemnity o ang  no-fault agreement ay kasama sa mga requirement bago tanggapain ng Filipinas ang Covid-19 vaccines sa pamamagitan ng Vaccines Global Access (COVAX) facility.

Kahapon ay nilagdaan na rin ng Pangulong  Duterte ang Memorandum Order 51 na nagpapahintulot sa National Task Force (NTF) Against Covid-19, Department of Health, at local government units (LGUs) na mag- advance payment sa lampas 15 percent ng total contract amount sa pagbili ng bakuna.

Umaasa si Roque na gagawin lahat ng national government at LGUs ang makakaya para makarating na sa bansa ang bakuna ngayong buwan.

“Siguro dahil nagsalita na ng ganyan ang Presidente eh gagalaw na ng mabilis ang lahat,” ayon pa kay Roque.

Nitong Pebrero 15 ay inaasahang darating ang initial delivery ng 117,000 doses ng Covid-19 vaccine mula sa Pfizer subalit dahil naantala ang indemnification requirements ay wala pa sa bansa ang bakuna.

Habang ang donasyong 600,000 doses ng  Sinovac ay possible ring hindi makarating sa Pebrero 23 dahil hindi pa ito naiisyuhan ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration. EVELYN QUIROZ

One thought on “PRRD INIP NA SA COVID-19 VACCINES”

  1. 673928 16353There is noticeably a bundle to understand about this. I assume you created specific nice points in functions also. 60746

Comments are closed.