KINIKILALA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paksiyon ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi at katunayan ay dadalo ang Punong Ehekutibo sa special party meeting na idaraos sa Clark, Pampanga.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag sa gitna ng bangayan nina Cusi, vice chairman ng PDP-Laban, at Senador Manny Pacquiao, na acting president ng nabanggit na ruling party.
“All I can say is he (Duterte) recognizes the leadership of Secretary Cusi and that is why he will attend the party special meeting on July 17,” paliwanag ni Roque.
Magugunitang sa resolution ng paksiyon ni Pacquiao, tinanggal si ‘Cusi at iba pang PDP-Laban officials mula sa partido at lumiban sa party meeting na ipinatawag ni Cusi.
Sa nasabing pulong ng Cusi faction ay napagkasunduan na himukin si Pangulong Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022 polls.
Nabatid na nagpulong sina Pangulong Duterte, Cusi at iba pang PDP-Laban members noong isang linggo na dahilan para lumakas ang muling kandidatura ng Pangulo sa 2022 polls.
Sinasabing hindi maganda ang pakiramdam ng Pangulo kay Pacquiao nang akusahan ng huli ang umano’y mga katiwalian sa Duterte administration.
Malakas naman ang ugong na magsasabong sa pampanguluhan sina Pacquiao at Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa May 2022 elections. EVELYN QUIROZ
35392 724494Basically wanna input which you have a extremely nice web site , I enjoy the pattern it truly stands out. 353165
980006 571865Nowhere on the Internet is there this considerably quality and clear data on this topic. How do I know? I know because Ive searched this subject at length. Thank you. 169043