LUGMOK sa kalungkutan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkasawi ng 50 katao, 47 ay mga sundalo at tatlong sibilyan nang bumagsak ang C-130 noong Hulyo 4 sa Patikul, Sulu.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naghihintay ang Pangulong Duterte ng resulta ng imbestigasyon hinggil sa naganap na trahedya.
Magugunitang noong Hunyo ay bumagsak din ang bagong biling black Hawk helicopter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Tarlac na pumatay ng anim na sundalo.
“The President and the entire Filipino people are really saddened because we have soldiers who died because of this incident. But just like what I’ve said, the President said that we have to wait first for the formal investigation before we make the conclusions,” ayon kay Roque.
Kagabi ay bumisita si Pangulong Duterte sa Western Mindanao Command (Wesmincom) sa Zamboanga City upang bigyang karangalan ang mga sundalo na Wounded-in-Action (WIA) at Killed-in-Action (KIA) isang araw makaraang bumagsak ang isang Philippine Air Force (PAF) plane sa Patikul Village sa Jolo, Sulu.
Base sa report ng AFP, lulan ng bumagsak na C-130 plane ang halos 100 pasahero na magdadala ng mga tropa ng sundalo mula sa Cagayan de Oro City patungo sa lalawigan ng Sulu Mindanao nang mabigo ang piloto na maabot ang runway.
Agad na binisita ng Pangulo sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) at ginawaran ng Order of Lapu-Lapu with the rank of Kampilan ang mga WIA na sundalo at tumuloy sa Naval Forces for Western Mindanao (NAVFORWEM) at pinangunahan ang symbolic Conferment ng Order of Lapu-Lapu with the rank of Kalasag ang mga KIA na mga sundalo.
Sa maikling mensahe ay tiniyak ng Pangulong Duterte na mabibigyan ng kaukulang financial assistance ang naulilang pamilya ng mga nasawing sundalo at maging panggastos para sa edukasyon ng mga naulilang anak ng mga biktima.
Sa ngayon ay pinaiimbestigahan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang trahedya. EVELYN QUIROZ
15363 315807I like this weblog really considerably, Its a rattling nice billet to read and locate information . 373916
Thanks to my father who informed me regarding this webpage, this website is actually
awesome.
42538 136487I just couldnt depart your site prior to suggesting that I really enjoyed the regular data an individual offer for your visitors? Is gonna be back regularly as a way to inspect new posts 920368