PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ceremonial re-enactment sa paglagda ng iba’t ibang panukalang batas sa Rizal Hall sa Malakanyang araw ng Miyerkoles.
Magugunitang noong Mayo 26 ay nilagdaan na ng Pangulo ang mga batas na Republic Act (RA) No. 11549 or An Act Lowering the Minimum Height Requirement for Applicants of the Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor).
Pirmado na rin ang RA No. 11544 o batas na nagsasalin sa bayan ng Calaca sa Batangas para maging Component City at tatawaging City of Calaca.
Batas na rin ang RA No. 11545 o An Act Reapportioning the First Legislative District of the City of Caloocan Into Two (2) Legislative Districts o paghahati sa dalawa ng unang distrito ng Caloocan.
Nalagdaan na rin dati ang RA No. 11546 or An Act Reapportioning the Province of Bulacan Into Six (6) Legislative Districts.
Kabilang sa dumalo sa seremonya sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Lord Allan Jay Velasco, Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, DILG Secreatry Eduardo Ano, Justice Secretary Menardo Guevarra,
Senador Ronald Dela Rosa, PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar; BuCor Director General Gerald Bantag; BFP Chief, Fire Director Jose Embang Jr.; BJMP Chief Director Allan Iral at iba pang mga mambabatas. EVELYN QUIROZ
816968 711856Wow! Thank you! I always wanted to write on my website something like that. Can I incorporate a portion of your post to my site? 873259
291347 877903Read more on that Post.Useful info. 225958