SERYOSO si Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang corruption sa bansa sa kanyang nalalabing termino.
Ang ‘Mega Task Force’ na mismong binuo ni Presidente Duterte ang kikilos para tuluyang tuldukan ang matandang suliranin ng bansa laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang nasabing task force na isang special investigating body ay pinamumunuan ni Justice Sercretary Menardo Guevarra at kinabibilangan ng mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Office of thre Executive Secretary, Office of the President at Presidential Anti-Curruption Commission.
Isa sa mga kasong idinulog sa Mega Task Force sa pamamagitan ng PACC na tila hindi umano naimbestigahan ay ang isa sa mga gustong patutukan ni Executive Secretary Salvador ‘Bingbong’ Medialdia sa Department of Justice at Office of the Ombudsman patungkol sa ‘ill-gotten wealth’ ng isang executive ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na inireklamo mismo ng isang freelance veteran journalist.
Ang Mega Task Force ang siya ring naatasan ni Pangulong Duterte na mag-imbestiga sa mga katiwalian sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense ((DND), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), BIR, Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI) at iba pa.
Sa kanyang sulat-reklamo kay Secretary Medialdia, isinumbong ng mamamahayag na si Dodo Rosario ang isang opisyal ng BIR na may P1 bilyon umanong ‘unexplained wealth’ pero hindi pinansin ng mga imbestrigador ng PACC.
Bukod sa kasong idinulog ni Rosario, nais din umanong patutukan ni Secretary Medialdia sa DOJ o Ombudsman ang ‘hijacking’ ng tax cases sa BIR o ang sinasabing tax cases na inaagaw ng mga tax investigator na nakatalaga sa National Investigation Division (NID) sa Large Taxpayers Service (LTS), gayundin ang mga kasong sinisiyasat naman sa ilalim ng regional at district levels na inaagaw rin ng LTS bilang pamalit sa mga kasong nagaw sa kanila ng NID.
Ang sinasabing agawan ng tax cases ang umano’y dahilan ng pagbagsak ng tax collections ng BIR.
Under-revalidated din umano ang mga kaduda-dudang kasong tinapos ng NID na wala namang fraud, gayundin sa LTS na diumano’y mababang halaga lang ang binayarang buwis.
Ang kapangyarihan ng special investigating body, ayon kay Pangulong Duterte, ay mananatili hangggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 30, 2022 o “even beyond, unless his successor abolish it.”
Una nang inatasan ng Chief Executive si Justice Guevarra na muling i-revitalize ang nasabing task force.
“This is my second call for a total campaign against corruption, this time, we will look into every department. This is a memorandum to Justice Secretary Guevarra to investigate allegations of corruptions in the entire government,” anang Pangulong Duterte.
Sa kanyang liham-reklamo kay Secretary Medialdia ay sinabi pa ni Rosario na gusto niyang iparating sa Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng executive secretary, na handa siyang tumindig para patotohanan ang akusasyon laban sa naturang BIR executive na umano’y nagpayaman habang nasa puwesto.
Ang tinutukoy ni Rosario na BIR official na sangkot sa katiwalian ay nakatalaga umano sa National Capital Region (NCR).
Nagpasaklolo na rin si Rosario sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para papanagutin sa batas ang nasabing opisyal at handa rin itong magpasailalim sa witness protection program para makasuhan na at mabawi ng gobyerno ang mga ninakaw umano nito habang nasa puwesto sa BIR.
Ani Rosario, sumulat sa kanya ang PACC at sinabing kung may ebidensiya siya ay maaari siyang tulungang magsampa ng kaso, gayong trabaho, aniya, ng nasabing investigating agency na magkalkal ng mga ebidensiya laban sa inirereklamo niyang BIR official.
Tungkulin at responsibilidad din, aniya, ng PACC na imbestigahan ang mga taong may ill-gotten wealth at sampahan ng kaso, alinsunod sa kautusan ng Pangulo.
vvv
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].