PRRD VIRTUALLY PRESENT SA PMA ALUMNI HOMECOMING

BAGUIO CITY-PANGUNGUNAHAN virtually ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Philippine Military Academy (PMA) Alumni homecoming sa Fort Gregorio del Pilar.

Gaya noong mga nakaraang taon nananatiling mahigpit ang mga ipinatutupad na protocol ng PMA sa Alumni Homecoming.

Hanggang gate lamang ang media na pinaunlakan ng maikling interview nina Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Dionardo Carlos at AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino.

Ayon sa pamunuan ng PMA, limitado sa limang representative sa bawat klase ang pinayagang dumalo ng pisikal sa aktibidad habang ang iba ay dumalo online.

Ipinaubaya ng PMA sa bawat klase ang pagpili ng mga magiging kinatawan sa homecoming

Si Pangulong Duterte ang nagsilbing guest of honor sa programa sa pamamagitan ng video teleconferencing.

Pinayagan namang magsama ng tig-iisang family member ang mga alumni na magiging awardee

Nitong Biyernes, ginawaran na ng pagkilala ng PMA ang ilang miyembro ng ruling class na PMA Maringal Class of 1988 sa pangunguna nina Carlos, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na pawang tumanggap ng outstanding achievement award
Gayundin ang mga opisiyal ng AFP tulad nila Army Commanding General Lt/Gen. Romeo Brawner, Navy Flag Officer in Command RAdm. Adeluis Bordado, Air Force Commandant Lt/Gen. Connor Anthony Canlas maging si Coast Guard Commandant RAdm. Leopoldo Laroya. EUNICE CELARIO