TATALAKAYIN ang nalalapit na PRURide PH 2020 sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel Manila.
Sasamahan nina Pru Life UK SVP and Chief Marketing Officer Allan Tumbaga si race director Ian Alacar sa 10:00 a.m. public sports program upang magbigay ng update sa March 11-15 event sa Clark Pampanga.
Mahigit sa 2,500 cyclists ang inaasahang lalahok sa meet, kabilang ang 18 local at international professional teams na kakarera sa UCI 2.2 stage races na akreditado ng Union Cycliste Internationale (UCI).
Ang weekly session ay itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang programa ay naka-live stream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.
Matapos ang session ngayon, ang Forum ay pahinga muna ng isang buwan upang bigyang-daan ang paghahanda at pagdaraos ng Annual PSA Awards Night na nakatakda sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Magpapatuloy ang weekly program sa ikalawang linggo ng Marso.
Comments are closed.