PRUTAS AT PASTRIES NA GAWA SA GULAY PATOK PANREGALO NGAYONG PASKO

asdasd

DAHIL nananatili pa rin ang COVID-19 pandemic, naiba na ang uri ng panregalo ngayong Pasko at maging sa kaarawan, binyag at kasal.

Sa survey ng PILIPINO Mirror, halos puro pagkain na ang ipinangreregalo ngayon.

At hindi lang basta pagkain, kundi prutas at mas lamang ang nasa linya ng citrus para sa Vitamin C gaya ng oranges at ponkan.

Kapag bongga ang reregaluhan, isang set na ng bilog at ang mga ito ubas, mansanas, oranges, peras at suha.

Mayroon ding basket ng saging na mayaman naman sa potassium at zinc na panlaban umano sa COVID-19.

Bukod sa mga prutas, nauso na rin ang mga pastries na sinangkapan ng gulay gaya ng mga tinapay na gawa sa malunggay, carrot, kamatis at kung ano-ano pa basta makatutulong sa kalusugan.

Hindi na uso ang pabango, bag  o kaya damit na panregalo ngayong Pasko dahil mas nagpokus ang mga tao sa kanilang kalusugan.

Ang naging gawi sa pagreregalo ay masasabing positibong dulot naman ng coronavirus disease fever dahil mas tumuon ang mga tao sa kalusugan kaysa material na bagay. EC

Comments are closed.