(Ni CHE SARIGUMBA)
HINDI lahat ng tao ay nahihilig sa pagkain ng prutas. May ilan na kahit na gaano pa kasarap ang isang prutas, inaayawan ito.
Importante ang pagkain ng prutas sa araw-araw dahil sa rami ng benepisyong naidudulot nito sa kalusugan.
Mula pa noong unang panahon, ang prutas ay kilalang nagbibigay ng higit sa sapat na nutrisyon sa katawan. Dahil dito, maraming benepisyo ang pagkain nito. Isa na rito ang gamot sa sari-saring sakit sa katawan at balat ng tao.
Ang pagiging mababa sa asin ng prutas ay isa ring benepisyo sa mga taong kailangan magbawas ng asin sa kanilang kinakain.
MANGGA
Isa sa madalas na nakikita natin sa bansa o sa mga tindahan sa gilid ng kalye ang mangga. Iba’t ibang klase ng mangga. May-roong hinog at mayroon din namang hilaw.
Isa ang mangga sa napakasarap kainin sapagkat nagtataglay ito ng iba’t ibang enzymes na nagsisilbing gamot sa pagtatae, disen-teria, diabetes at ilang sakit gaya na lang ng paninikip ng dibdib.
Kaya sa benepisyong nabanggit, siguraduhing isasama sa diyeta ang magga.
PERAS
Mainam din ang pagkain ng peras sa araw-araw. Mataas ang taglay na fiber ng peras. Naglalaman din ito ng potassium at Vita-min C.
Sa pagkain naman ng peras, piliin naman ang fresh na peras at iwasan ang mga naka-can.
TOMATOES
Hindi lang naman gulay ang tomatoes o kamatis, isa rin itong prutas. At mainam din itong kainin o isama sa diyeta o kinahi-hiligang prutas o pagkain sa araw-araw. Mataas ang taglay nitong lycopene. Nakapagpapababa rin ito ng blood pressure.
SAGING
Ang saging naman na kung tawagin ni Alexander the Great ay ‘prutas ng langit’, ay siksik sa enerhiya, 25% asukal, Vitamin B (B1 na nagpapatalas ng utak at B6 na pumupuksa sa pagiging irritable, sakit ng ulo at hapdi ng suso.
Ayon sa mga dalubhasa, ang saging ay siya ring prutas na may taglay na protina para gumanda ang mood ng tao. Ito ang isa sa pangunahing prutas na gamot sa stress dahil sa potassium.
PAPAYA
Kilalang prutas naman na nakatutulong sa paggamot ng sakit sa puso, diabetes, at paglabo ng mata dahil sa Vitamin A na taglay nito. May taglay rin itong fiber na tumutulong sa pag-ayos at paglambot ng dumi na nakapipigil sa pagkakaroon ng cancer sa bituka.
APPLE
Isa rin ang apple sa bukod sa available kahit saan ay swak lamang din sa bulsa. Nagtataglay ng insoluble fiber at soluble fiber ang nasabing prutas.
Ang insoluble fiber na taglay nito ay nakatutulong sa digestive health.
Samantalang ang soluble fiber naman ay nakapagpapababa ng cholesterol
Magandang kombinasyon din ang taglay nitong fiber at antioxidants dahil napabababa nito ang risk of cancer, diabetes, hyper-tension at heart disease.
ORANGES
Isa pa ang orange sa swak kainin sa araw-araw dahil sa mayaman ito sa vitamin C. Naglalaman din ito ng potassium.
Refreshing din ito, low-calorie fruit kaya’t swak na swak ito ngayong matindi ang init ng panahon.
Sa panahong ang gamot sa mga drugstore ay patuloy na tumataas ang presyo, alalahanin natin na mayroon tayong mga prutas na likas na nakapagpapalakas ng ating katawan.
Ayon nga sa mga Kano, “An apple a day keeps the doctor away.” Sabi naman ng mga Filipino: “Kung gusto mong gumanda, kumain ka ng prutas sa umaga.”
(photo credits: tagaloglang.com, weheartit.com, bonnieplants.com)
Comments are closed.