PRUTAS NG PH PATOK SA CHINA EXPO

ORANGE-SAGING-AVOCADO

PUMATOK ang mga produkto ng Filipinas sa pinakamalaking trade expo ng China.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ang mga local exporter na lumahok sa China Interna-tional Import Expo (CIIE) ay nakalikom ng kabuuang $124 million sales. Binubuo ito ng $108 million signed orders para sa iba’t ibang  farm goods, gaya  ng saging, avocados at oranges, at $16 million direct sales mula sa mga exhibitor.

“This is a big win for Filipino companies—especially those in the agriculture industry—as we push for greater promotion of our fresh fruits ca­tegory in China’s huge market,” wika ni Trade Secretary Ramon M. Lopez.

“The figures exceeded our target sales for this participation, which was $50 million. But Philippine products, known to be of quality to foreign buyers, received overwhelming approval at the CIIE,” dagdag pa niya.

Dinala ng DTI ang may 57 exhibitors sa pimakamalaking trade show ng China, at pinagkalooban sila ng 500 square meters sa venue sa Shanghai.

Karamihan sa exhibitors ay makers ng  snacks, alcoholic beverages, fruit-based products, nuts, chocolates, coffee, cosmetics, baby care, electronics, automotive goods, culinary tour packages at franchising at education services.

Determinado si Lopez na doblehin ang benta sa CIIE sa susunod na taon, kung saan target ng Filipinas na makapagpadala ng mas malaking ­delegasyon na ookupa sa 100 booths. Bukod dito, nais ng DTI na mag-alok ng iba’t ibang sariwang prutas sa trade show sa susunod na taon.

Ang CIIE ay inorganisa ng China’s Ministry of Commerce at pinagsama-sama ang libo-libong foreign enterprises sa layuning maipakita ang importing potential ng bansa. Nagsimula ito noong Lunes at nagtapos noong Sabado.

Ayon sa state-run media China Daily, ang CIIE ay nakalikom ng $57.83 billion of deals, karamihan ay sa intelligence at high-end equipment ($16.46 billion), gayundin sa food at agricultural products ($12.68 billion). Si­nelyuhan din ang mga kasunduan sa automobile goods na nagkakahalaga ng $11.99 billion; consumer electronics at home appliances, $4.33 billion; at clothing at consumer products,  $3.37 billion. ELIJAH FELICE ROSALES

Comments are closed.