MAY kabuuang 27 personalities at entities, karamihan sa kanila ay sa combat sports, ang tatanggap ng citations sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa susunod na linggo sa Manila Hotel.
Pinangungunahan nina ONE Championship title holders Eduard Folayang, Kevin Belingon, Geje Eustaquio, Joshua Pacio, at Brandon Vera ang talaan ng mga pararangalan para sa kani-kanilang tagumpay ng sportswriting fraternity ng bansa sa event na handog ng MILO, Cignal TV, at Philippine Sports Commission (PSC).
Ang iba pa mula sa mundo ng combat sports ay kinabibilangan nina reigning World Boxing Organization (WBO) mini-flyweight champion Vic Saludar, long-time pal at ngayo’y trainer ni Manny Pacquiao na si Restituto ‘Buboy’ Fernandez, International Boxing Organization (IBO) bantamweight champion Michael Dasmarinas, amateur fighter Criztian Pitt Laurente, at judoka Kiyomi Watanabe.
Sa kasawiang-palad ay hindi personal na matatanggap ni Saludar ang parangal sa two-hour affair na suportado rin ng Chooks To Go, Rain or Shine, Tapa King, NorthPort, SM Prime Holdings, ICTSI, Mighty Sports, at ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil idedepensa niya sa unang pagkakataon ang kanyang titulo sa parehong araw laban kay Masataka Taniguchi sa Tokyo, Japan.
Hindi naman padadaig ang sikat na sport ng basketball kung saan pagkakalooban din ng citations sina Bobby Ray Parks, Alab Pilipinas, San Beda Red Lions, at national team stalwart Janine Pontejos.
Sa sport ng chess ay magiging awardees ang Philippine junior team at sina upcoming John Marvin Miciano at International Master Chito Garma.
Ang iba pang nasa listahan ng tatanggap ng citations ay ang trio nina golfers Angelo Que, Miguel Tabuena, at Dottie Ardina, cyclist Ronald Oranza, fencer Maxine Esteban. Centennial III ng sailing, Kenneth San Andres sa motocross, ang Philippine men’s football team, Mighty Sports, at former long-time Philippine Tennis Association (Philta) president Salvador ‘Buddy’ Andrada.
Mangunguna sa 2018 honorees sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go bilang ‘Athletes of the Year’.
May kabuuang 75 awardees ang pararangalan ng PSA, kung saan si Bemedalled at Olympian Bea Lucero-Lhuillier ang magiging special guest speaker.
Comments are closed.