TAMPOK ang rowing, boxing, at ang nalalapit na bagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum ngayong Martes, Mayo 11.
Tatalakayin ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes ang mga paghahandang isinasagawa ng liga kaugnay sa darating na season na pansamantalang nakatakda sa Hunyo 12, habang sasamahan ni Philippine Rowing Association (PRA) President Patrick Gregorio si paddler Cris Nievarez, ang huling Pinoy na nagkuwalipika sa Tokyo Olympics.
Magiging panauhin din si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary-General Ed Picson para talakayin ang kampanya ng national team sa ASBC Asian Men’s and Women’s Boxing Championships sa Dubai.
Ang weekly Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.
Comments are closed.